Pinagbabawalang magmaneho sa mga pampublikong kakalsadahan ang mga menor de edad sa Mangatarem.
Ito ay sa bisa ng lokal na ordinansa alinsunod sa Land Transportation and Traffic Code ng bansa upang maisulong ang responsableng pagmamaneho.
Sa panayam ng IFM News Dagupan Kay Mangatarem Officer in Charge PMAJ Arthur Melchor, nanghuhuli at nagbibigay ng violation ticket ang kapulisan sa mga mahuhuling lumalabag at mga magulang lamang ang maaaring makapagtubos ng sasakyan.
Base sa datos ng PNP, tumaas ng 35% ang namamatay sa mga aksidente sa kakalsadahan na kadalasang nagmumula sa mga edad dalawampu pababa noong 2024.
Iginiit ng kapulisan ang wastong pagbabantay ng mga magulang at tumatayong guardian sa mga menor de edad upang maiwasang lumabag sa kautusan na posibleng pagmulan pa ng aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









