Sa programang No None Reader Left Behind ng barangay Malued sa Dagupan City, tiyak na lahat ng mga bata dito ay matututong magbasa upang makasabay sa eskwela.
Ang programa ay naisa-konsepto taong 2009 at pormal itong naumpisahan nitong nakaraang taon lamang na target maturuang magbasa hindi lamang ang mga batang maliliit kundi lahat ng nahihirapan sa pagbabasa.
Sa pangunguna ni barangay librarian Mercedes Cabrera at ilang volunteers, sumasalang sa 45 minutes hanggang 1 oras ang mga bata sa masinsinang reading lesson lalo na sa mga salitang English na mahirap basahin.
Ayon sa kapitan ng barangay na si Kap Filipina “Pheng” Delos Santos, ang programang ito ay hindi matatapos hanggat may mga batang nangangailangan ng kaagapay sa pagbabasa dahil ito ay parte ng kanilang Caring For The Children And Youth in Society program.
Pagmamahal at dedikasyon sa kanilang sinimulang proyekto ang tanging puhunan ng mga kawani ng barangay para patuloy na maturuan ang mga batang ito na hirap sa pagbabasa.
Malaking tulong ito hindi lamang sa mga bata kundi maging sa mga magulang na rin na kulang ang oras upang matutukang turuan ang mga anak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









