Istriktong ipinatutupad ngayon sa lungsod ng dagupan ang no overloading policy sa mga motorboats ito ay matapos abisuhan ng alkalde sa lungsod ang mga operatos ukol sa nasabing polisiya.
Kaugnay nito, isang meeting ang isinagawa sa pagitan ng Task Force Bantay Ilog, PSSg Sonny Mariano at PAT Alvin Remarim ng PNP maritime Group kasama ang mga passenger boat operators sa terminal ng island barangays.
Kasama sa binabantayan ng PNP Maritime Group at Task Force Bantay Ilog ang pagtitiyak na sumusunod ang mga motorboat operators sa tamang bilang ng mga pasahero nito upang maiwasan ang disgrasya sa ilog at bilang paghahanda rin sa inaasahang epekto ng bagyong “HENRY” na nanatili pa ring nasa loob ng Philippine area of responsibility.
Samantala, ipinatutupad parin sa bonuan tondaligan beach ang No swimming, no sailing, at no fishing policy. | ifmnews
Facebook Comments