Sinimulan nang ipatupad ng Philippine Ports Authority (PPA) ang “No Permit, No Service” Policy para sa lahat ng truckers sa mga pantalan sa buong bansa.
Kasabay ito ng babala laban sa colorum operators.
Sa ilalim ng “No Permit, No Service” Policy, ang lahat ng truckers ay obligadong kumuha ng Certificate of Accreditation (CA) at Permit to Operate (PTO), para sila payagang makapag-transaction sa port terminals.
Una nang nagtapos noong October 31, ang deadline sa truckers na kumuha ng accreditation at permit.
Facebook Comments