NO PROBLEM AT ALL | Julia Barretto – itinangging may relationship problem sila ni Joshua Garcia

“no problem at all”

Ito ang naging pahayag ng young actress na si Julia Barretto matapos kumalat sa social media na mayroong daw silang relationship problem ni Joshua Garcia.

Say ni Julia, wala silang pinagdadaan ngayon ni Josh kung saan hindi daw isyu ang ginawa niyang simple tweet kung saan sinabi nito ang mga katagang “guard your heart”.


Natawa naman si Josh sa mga nagtatanong sa kanila at hindi na din ito nagkomento pa basta’t ang alam niya ay masaya sila at mahal nila ang isa’t-isa.

Samantala, ikinatuwa ng mga fans ang kumakalat na picture nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli habang naglalakad nang magkahawak-kamay sa loob ng airport.

Nabatid kasi na bumiyahe ang magkasintahan sa Europe para i-celebrate ang kanilang fifth anniversary.

Facebook Comments