No Registration, No Travel Policy, ipatutupad ng LTO

Dahil sa naitalang P37-B revenue losses ng Land Transportation Office (LTO), ipatutupad ng LTO ang No Registration, No Travel Policy para mapilitang magrehistro ang mga delinquent motor vehicle owners.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na batay sa LTO data,
65% o katumbas ng 24.7 million ng 38.3 million vehicles sa bansa ay mga i-delinquent motor vehicles.

Ibig sabihin, 13.3 million o 35% ng mga motor vehicles lang ang nakarehistro.


Resulta nito, naitala ang P37.10 billion revenue losses o dapat ay nakolektang registration fees.

Ani ni Mendoza, banta sa road safety kung bibiyahe ang ganitong mga motor vehicles dahil maliban sa hindi dumaan ang mga ito sa roadworthiness inspections gaya ng emission testing gayundin dito ito sakop ng insurance coverage.

Facebook Comments