“No registration, no travel” policy ngayong holiday season, niluwagan ng LTO

Niluwagan ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng “no registration, no travel” policy ngayong holiday season.

Inatasan ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang kaniyang mga tauhan na iwasan muna na mag-impound ng ‘di rehistradong mga sasakyan at bigyan ang mga ito na pagkakataon na makapagrehistro.

Aniya, mabigat para sa mga motorista ang dagdag na babayarang P10,000 kapag na-impound ang kanilang sasakyan.


Muli naman umanong ipapatupad ang patakaran sa Enero sa susunod na taon.

Nabatid na humigit-kumulang sa 24.7 milyon o 67 porsyento ng mga sasakyan ang nairekord bilang delingkwente.

Kasabay nito, pinayuhan ng LTO chief ang ‘delinquent motor vehicles’ na magtabi ng bahagi ng kanilang 13th month pay at mga bonus para i-renew ang registration ng kanilang ng sasakyan.

Facebook Comments