No remittance week ng OFWs, hindi makaaapekto sa ekonomiya —Panelo

Naniniwala si dating Chief Presidential Counsel Atty. Salvador Panelo na hindi lubusang makaaapekto sa ekonomiya ang Zero Remittance Week na nais isagawa ng Overseas Filipino Workers o OFWs.

Aniya, mahinahon at kalmadong pagpapahayag ng kilos-protesta ang nais gawin ng OFWs.

Ito’y bilang pagtutol sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Panelo, isang linggo lang naman ang planong ito ng mga OFW at isa rin itong sakripisyo.

Kusa itong ginagawa ng mga OFW bilang pagpapakita ng kanilang pagsalungat sa mga ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa dating pangulo.

Giit pa ni Panelo na mas mainam umano ang planong Zero Remittance Week kaysa sa mag-alsa laban sa gobyerno.

Facebook Comments