No sail policy, ipinatupad ng PCG sa buong Luzon

Ipinapatupad na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “No Sail Policy” sa buong Luzon.

Dahil dito, hindi na maaaring bumiyahe ang mga passenger vessels pero papayagan naman maglayag ang mga cargo, fishing at government vessels.

Ang mga crew ng cargo vessels ay papayagan naman magdiskarga ng kanilang kargamento ng hindi lalayo sa 50 metets mula sa kanilang barko base na din sa guidelines na inilabas ng Philippine Ports Authority (PPA).


Naglabas na din ng Notice To All Mariners (NOTAM) ang PCG para ipaalam ang nasabing polisiya habang ang mga district officers naman ay pinaalalahanan na imonitor ang sitwasyon sa kabila na din banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Mahigpit din na ipapatupad ang health protocols at safety guidelines na inilatag ng PCG, PNP-Maritime Group at Philippine Navy.

Facebook Comments