Manila, Philippines – Ipagbabawal ng pamunuan ng Philippine Coast Guard ang paglalayag sa bahagi ng Manila Bay malapit sa pagdarausan ng ASEAN Summit.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Cdr. Armand Balilo, iiral ang no sail zone simula Miyerkules, April 26, hanggang sa araw ng Biyernes April 30.
Sakop ng pagbabawal sa paglalayag ang paligid ng US embassy, hanggang Manila Yatch Club, pati na ang bahagi ng break water area mula sa CCP-PICC Complex hanggang sa bahagi ng SM Mall of Asia.
Sinabi pa ni Balilo na nakahanda na ang kanilang mga karagdagang pwersa tulad ng quick reaction team at anti-terrorism group sakaling kailanganin ng pagkakataon.
DZXL558
Facebook Comments