Maaga nang nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Naguilian, La Union sa mga residente bilang pinaigting na paghahanda sa posibleng maging epekto ng super typhoon Nando.
Sa bisa ng kautusan, kasado na ngayong araw ang striktong pagbabawal sa pagpalaot, pangingisda at pagligo sa mga baybayin dahil sa posibleng bugso ng hangin.
Tiniyak din ang ‘full readiness’ ng mga evacuation centers na may suplay ng hygiene kit, gamut at relief goods maging ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga bahain at kadalasang may landslide na lugar.
Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Inatasan ng tanggapan ang mga barangay council sa striktong pagtalima ng kanilang mga nasasakupan sa naturang kautusan at koordinasyon sa iba pang ahensya para sa maayos na emergency response. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









