Pansamantalang sinuspinde ang paglayag ng mga sasakyang pandagat maging ang paglangoy sa mga baybayin ng Luna, La Union kasunod ng epekto ng Bagyong Emong.
Mayroong posibilidad na makaranas ng nasa isa hanggang tatlong metro na storm surge ang mga baybayin sa La Union base sa abiso ng PAGASA.
Nakataas din ang Signal No. 3 sa bayan na posibleng magdulot ng hangin at ulan na delikado para sa anumang aktibidad sa mga baybayin.
Kahapon, pinatunog din ng lokal na pamahalaan ang Early Warning Systems sa bayan upang maituro sa publiko ang kahulugan ng tunog sa magkakaibang durasyon tulad ng Babala na diretsong mapapakinggan ng tatlong minuto, Panganib na tutunog pataas at pababa ng isang minuto , at Ligtas na o isang minutong diretsong pagtunog.
Kaugnay nito, patuloy na nag-iikot ang awtoridad upang matiyak ang pagtalima ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









