NO SAILING, NO SWIMMING SA BAYBAYIN NG LUNA, LA UNION, IPINATUPAD BUNSOD NG AMIHAN

Pansamantalang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Luna, La Union ang mga aktibidad sa baybaying sakop ng bayan, simula, kahapon, bunsod na umiiral na Northeast Monsoon o hanging Amihan.

Dahilan umano ng amihan kaya nakararanas ng malakas na hangin at mataas na alon na maaaring maging peligroso sa mga maliliit na sasakyang pandagat at iba pang water activities.

Abiso ng tanggapan, maging alerto at mapagmatyag sa lagay ng baybayin partikular sa mga coastal at mababang lugar, kalakip din ng pangangalaga sa mga kagamitan at paghahanda ng emergency go-bags.

Handa ang tanggapan para umaksyon sa anumang insidente. Hinimok din ang pagsunod sa ibinabang kautusan hanggang sa maibalik sa normal ang alert status. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments