“No Sanchez released campaign “, umiikot na sa mga kolehiyo at unibersidad para sa signature campaign — National Union of Student of the Phils.

Umiikot na sa ibat-ibang  kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ang isang signature campaign laban sa pagpapalaya kay dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

 

Ayon kay National Union Student of the Phils National Secretariat Ivy Joy Taroma, nais nilang makalikom ng libo libong lagda para sa “No Sanchez released campaign para isumite sa Kongreso.

 

Hindi lamang mga studyante ang kaisa sa signature campaign kungdi pati na mga guro at school employees.


 

Nais ipakita ng NUSP na maging ang mga studyante ay  tinututulan ang  planong pagpapalaya sa convicted rapist.

 

Naniniwala sila na hindi qualified si Sanchez sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law na basehan sa paglaya.

 

Bukod dito ang hindi magandang  record nito habang nasa loob ng bilangguan.

Facebook Comments