Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang pagpapatupad ng “No Segregation, No Collection” policy upang matiyak ang tamang paghihiwalay ng basura sa mga barangay.
Kabilang sa mga hakbang ang masinsinang information drive at pagsasanay para sa mga barangay council at Sangguniang Kabataan chairpersons hinggil sa tamang waste segregation, na pinangasiwaan ng Waste Management Division.
Ipatutupad rin ang paggamit ng color-coded garbage trucks at mini trucks upang masigurong hiwalay ang koleksiyon ng nabubulok, di-nabubulok, recyclable, at residual waste.
Bilang bahagi ng pagpapatibay ng sistema, patuloy ang pagdaragdag ng mga kagamitan at sasakyan para sa waste collection, kabilang ang garbage trucks at iba pang hauling equipment, upang maging mas episyente ang operasyon sa buong lungsod.
Nitong buwan ay nauna nang sinabi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa isang panayam ang patungkol sa mga nasabing hakbang.
Hinimok naman ng alkalde ang mga residente na aktibong makiisa sa waste segregation, kasabay ng paalala na ang kalinisan ay dapat na magmula mismo sa mga barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










