“No service disconnection” hanggang January 31, 2021, hiniling ng isang kongresista

161

Hinimok ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang Energy Regulatory Commission (ERC) at National Electrification Administration (NEA) na huwag munang magpatupad ng service disconnection hanggang sa January 31, 2021.

Kasabay ng panawagan na ito ang pagapela rin ni Garbin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na atasan ang ERC at NEA na magpatupad ng “no disconnection” hanggang sa katapusan ng Enero ng susunod na taon upang matulungan ang mga micro-small and medium enterprises (MSMEs) na hirap pa ring makabawi dahil sa pandemya.


Sa halip na putulan ng serbisyo ang mga hindi makakabayad ay inirekomenda ng kongresista na palawigin ang installment payment sa kuryente hanggang sa January 31 o sa mga susunod na buwan.

Pinakikilos din ng mambabatas ang ERC at NEA na magsagawa ng motu proprio investigation patungkol sa patung-patong na reklamo sa electricity bills, mataas na bayarin, disconnection notices, at power supply interruptions.

Hinimok din ni Garbin ang mga ahensya na patawan ng parusa ang mga electricity distributors na mananamantala sa kanilang mga serbisyo at polisiya.

Facebook Comments