NO-SHOW | Ellen Adarna, hindi sumipot sa unang pagdinig hinggil sa kasong child abuse at cybercrime

Manila, Philippines – No-show sa unang hearing sa kasong child abuse at cybercrime ang sexy actress na si Ellen Adarna na isinampa sa kaniya ng mga magulang ng batang napagkamalan nitong paparazzi.

Dahil dito, iniurong ng Office of the Pasig City Prosecutors Office ang pagdinig sa June 11 para mabigyan ng pagkakataon ang actress na makuha ang kaniyang panig.

Dismayado naman ang mga magulang sa hindi pagsipot ni Ellen maging ang abugado nito dahil tila binabalewala sila matapos sirain ang reputasyon ng kanilang anak.


Magugunitang sinampahan ng kaso ang actress ng mga magulang ng menor-de-edad na babae matapos na akusahan ito na kinukuhanan siya ng larawan at video habang nasa loob ng isang ramen house na mariing itinanggi ng biktima.

Facebook Comments