Manila, Philippines – Umusad na sa Department Of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa kasong syndicated estafa na isinampa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa mag-asawang itinuturong nasa likod ng 900 million Pesos cryptocurrency scam.
Hindi sumipot sa imbestigasyon ng DOJ panel of prosecutors ang mag-asawang Arnel at Leonady Ordonio na una nang naaresto sa entrapment operation noong April 4, 2018.
Ang mag-asawang Ordonio ang may ari ng kumpanyang NewG na sinasabing nakapag recruit ng limampung investors sa kanilang cryptocurrency business.
Present naman sa hearing ang iba pang respondents na nag sumite ng kanilang kontra salaysay
Ayon sa PNP-CIDG, ang cryptocurrency scam ay katulad pyramiding scheme na mayroong upline at downline.
Modus dito na pangangakuan ng mag asawang Ordonio ang kanilang mga downline ng 30 percent na return of investment kada labing limang araw.
May option ang investor na maglagak ng 90,000 Pesos at 160,000 Pesos kada slot kaya sa dami ng nahikayat na mag-invest, umabot sa 900 Milyon Pesos ang natangay ng mag asawa sa kanilang mga biktima.
Itinakda ng DOJ panel ang susunod na hearing sa May 24 dakong alas dos ng hapon.