‘No Smoking Month’, Ipinagdiriwang Ngayong Hunyo

28

MANILA – Matapos ang paggunita sa World No Tobacco Day kahapon.Ipinaalala din ang selebrasyon ng ‘National No Smoking Month’ ngayong Hunyo.Sa interview ng RMN sa Throat Cancer Survivor at Anti-Tobacco Advocate Engr. Emer Rojas, sinabi niya na pinaiigting pa nila ang kampanya laban sa paninigarilyo.Ikinatuwa din ni Rojas ang panukala ni President-Elect Rodrigo Duterte na ipatupad sa buong bansa ang Smoking Ban na una nang ipinatupad nito sa Davao City.Nabatid na sa pamamagitan ng Smoking Ban o Comprehensive Anti-Smoking Ordinance ay maglalagay ng mga ‘No Smoking Signs’ sa iba’t ibang lugar.Ang multa sa mga lalabag ay magbabayad ng P1, 000 o isang buwan na pagkakakulong sa first offense; P2,500 sa second offense; at P5, 000 o apat na buwang pagkakabilanggo sa third offense.

Facebook Comments