No Spiting Ordinance sa Santiago City, Mahigpit na Ipatutupad!

30

Inatasan ni PCI Reynaldo Maggay, hepe ng PNP station 1 ang kanyang mga kasamahan kaugnay sa paghihigpit sa pagpapatupad ng no spiting ordinance lalo na sa mga pampulikong lugar.

Ito aniya ay layuning paalalahananang bawat isa at ang mga gumagamit ng nga-nga sa tamang kalinisan na naaayon sa batas na ipinaiiral sa lungsod.


Sa panayam kay PCI Maggay ay nagbigay na ito ng direktiba sa kanyang mga kasamahan upang manghuli ng mga lumalabag at dalhin sa kanilang tanggapan upang makapagsagawa ito ng lecture.

Kaugnay nito, bilang isang high lander aniya ay hindi nito ipinagbabawal ang kinagisnang paggamit ng nga-nga subalit nais lamang nito na maipaalala ang tamang disiplina sa kalinisan.

Ipinaalala naman nito na ang pagsunod ng bawat isa upang maiwasan ang mga paglabag at mapanatili ang disiplina sa sarili.

Facebook Comments

From Advertisers