‘No Street Parking,’ mahigpit na ipatutupad sa San Juan City ngayong ‘Holiday Rush’

Nagpakalat na ng sapat na bilang ng mga Local Traffic Enforcers ang San Juan City Government para sa mas mahigpit na implementasyon ng ‘No Street Parking’ Policy na ipinatutupad sa lungsod.

Ito ay sa gitna ng nagdadagsaang mga last minute shoppers sa pamosong Greenhills Shopping Center.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, sapat na ang 4,000 Parking slot sa nabanggit na Mall.


Nagdeploy na rin si City Police Station Commander Police Colonel Jaime Santos ng malaking bilang ng Local Police para pangalagaan ang seguridad ng mga shoppers na naghahanap ng murang mabibiling pangregalo.

Una nang ipinag-utos ni Mayor Zamora ang pagpapatigil sa paggamit ng kalye bilang pay parking dahil sa dami ng mga napeperwisyong motorista at dumadaan sa lungsod ng San Juan.

Facebook Comments