Ipinatupad sa lungsod ng Dagupan epektibo noong araw ng Lunes, July 24, 2023 ang pagbabawal sa pagligo pansamantala sa mga dagat sa lungsod partikular sa Bonuan Tondaligan Beach na higit dinadagsa ng mga Dagupeño at turista.
Bunsod ito ng epektong nararanasan na ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ng dulot ni Bagyong Egay.
Ipinagbabawal din pumalaot sa mga kababayan nating mangingisda dahil sa siguraduhing kalagayan ng karagatan ngayon kung saan may mga malaking paghampas ng ulan dahil sa hanging taglay ng bagyo, nang maiwasan ang anumang aksidente tulad ng pagkalunod.
Pansamantala ring isinara ang Patar Public Beach maging ang Bolinao Falls sa bayan ng Bolinao.
Inanunsyo rin ang pagsara muna ng Tondol Public Beach sa bayan ng Anda epektibo kahapon araw ng Martes, July 25. |ifmnews
Facebook Comments