NO TO BOGA POLICY, MULING PINAIGTING SA BRGY. TEBENG, DAGUPAN CITY

Muling pinaiigting ng Barangay Tebeng ang kanilang kampanya laban sa paggamit ng delikadong boga ngayong darating na Kapaskuhan.

Sa bisa ng isang resolusyon na pinagtibay ng buong Barangay Council noon pang taong 2024, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng boga sa buong barangay.

Ayon sa barangay, ang sinumang mahuhuling gumagamit nito ay mahaharap sa pagkakakumpiska ng boga at kinakailangan sumailalim sa community service sa barangay sa itinakdang araw.

Dahil dito, patuloy nilang pinapaigting ang pagbabawal upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga bata.

Bukod sa boga, binabantayan din ang mga motorsiklo at sasakyang may maiingay na mufflers na maaaring makagambala sa mga residente.

Samantala, nagpaalala rin ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko ang mapanganib at pinsalang maaaring idulot nito sa buhay, partikular sa mga bata.

Hinikayat naman ng barangay ang lahat na piliing idaos nang ligtas at responsable ang Kapaskuhan hanggang Bagong Taon.

Facebook Comments