“NO TOUCH POLICY”, ipapatupad ng PSG kay Pangulong Rodrigo Duterte

Ipatutupad na ng Presidential Security Group (PSG)  ang “NO TOUCH POLICY” kay Pangulong Rodrigo Duterte maging sa pamilya nito.

 

Paliwanag ni PSG Commander Col. Jesus Durante III – sinumang personalidad, dignitaries o mga pulitiko maging ang psg personnel na makakahalubilo ng pangulo ay sasailalim sa matinding screening at testing sa anumang uri ng sakit na may kaugnayan sa COVID-19.

 

Patuloy din aniyang ipatutupad ang heath protocols at preventive measures sa buong Malacañang Complex kung saan sumasailalim sa thermal scanner ang sinumang pumapasok sa palasyo.


Facebook Comments