Manila, Philippines – Binalaan ni Eastern Police District (EPD) Director PCSupt. Romulo Sapitula kung sino man mula sa kanilang hanay ang magtatanggal ng body camera ay mahaharap sa kaparusahan (negligence).
Sinabi nito, sa bawat police operations ay dapat nakalagay ang body cam sa katawan ng isang pulis (upper left part ng dibdib).
Layunin aniya nitong mai-dokumento ang lahat ng kanilang operasyon, gayundin upang maiwasan ang agam-agam ng publiko na lumalabag sa karapatang pantao ang pulisya.
Paliwanag pa ni Sapitula, hindi basta basta malo-lowbatt ang body cam dahil 4 na oras itong maaaring magamit ng tuloy tuloy
Dapat ding siguraduhin ng bawat pulis na gagamit nito na na-icharge ng maigi bago sumabak sa police operations.
Pagkatapos ng kanilang operasyon, kukunin ang SD card ng bawat body cam at chaka ito re-review-hin.
Kahapon, ginamit na ng EPD ang 48 Vigilante HD body cameras.
Tig-3 body cameras ang ibinigay sa 10 Pasig PCP at 18 dito ay ipagkakaloob naman sa Special Reaction Unit.