Manila, Philippines – Pinuri ni Senate President Koko Pimentel ang ipapatupad na ‘No Travel Abroad Policy’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Department simula taong 2018.
Pero agad na paglilinaw ni Pimentel, hindi nito sakop ang mga Senador dahil magkahiwalay na sangay ng gobyerno ang Ehekutibo at Lehislatura.
Sabi ni Pimentel, sa katunayan ay hinihikayat niya ang mga kasamahang mambabatas na magtungo sa ibang bansa.
Bahagi aniya ito ng kanyang hangarin na maging aktibo ang senado sa International Community.
Nais din ni Senator Koko na maibigay sa ibang mga senador ang bigat ng kanyang tungkulin para katawanin ang senado sa abroad.
SP Koko Pimentel:
Iba po ang Legislative Branch from the Executive Branch. I’m actually encouraging my colleagues to travel so we will have “an internationally engaged senate” wc s part of my vision for the PH senate and also to take some of the traveling burden off my shoulders coz like the pres I really do not enjoy travels! Napipilitan lang bcoz of my duties as SP. Hence I want some of my colleagues to represent d senate abroad.