Epektibo na ngayong araw ang “No vaccination, no ride” policy ng Department of Transportation sa lahat ng mga pampublikong transportasyon.
Sa ilalim ng Department Order No. 2022–001, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-gamit ng mga hindi bakunado sa mga public transport dito sa kalakhang Maynila.
Pero exempted sa polisiya ang mga sumusunod:
1. Mga indibidwal na may medical conditions na nagbabawal sa kanila na maturukan ng COVID-19 vaccine pero kinakailangang magpakita ng medical certificate na may pangalan at contact details ng kanilang doktor.
2. Mga bibili ng essential goods at services kagaya ng pagkain, inumin, gamot, at iba pang kinakailangan pero dapat mayroong barangay health pass na inisyu sa kanila.
Samantala, hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko na isumbong ang mga enforcer na gagamitin ang “no vaccination, no ride” policy para mangotong sa mga driver at operators.
Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, hindi nila hahayaang gamitin ng enforcers ang polisiya at mangyari lamang na agad magsumbong ang publiko sa kanilang hotline na 1342.