‘No vaccine, no face-to-face classes” para kay Sen. Bong Go

 

Para kay Senator Bong Go hangga’t wala pang bakuna sa COVID-19 ay hindi muna dapat magkaroon ng face-to-face classes.

Reaksyon ito ng senador sa plano ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot testing para sa face-to-face classes sa Enero 2021.

Sa panayam kay Go sa sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Muntinlupa City, sinabi ni Go na para sa kaniya, mabuti pa ring ipagpaliban ang pagsasagawa ng face-to-face classes hangga’t walang bakuna na ligtas at epektibo na available sa publiko.


“Ako naman po personally, ‘no (safe) vaccine, no face-to-face classes’ pa rin po. Kasi po, pag meron naging positibo diyan na isa, back to square one, back to zero na naman tayo at panibagong contact tracing na naman,” ayon sa senador.

Sinabi nig Go na saglit na lang naman ang hihintayin para magkaroon ng bakuna at unti-unti na ring babalik na sa normal ang buhay.

Duda rin si Go kung papayag ang mga magulang na padaluhin sa face-to-face classes ang kanilang mga anak.

“Pangalawa, kung sabihin nila kailangan ng consent po ng magulang. Sa tingin niyo ba may mga magulang na magbibigay ng (consent)?” ani Go.

Kasabay nito hinimok ni Go ang DepEd na pag-aralan munang mabuti ang plano.

“Hindi lang naman po (buhay) ng estudyante natin. Pag-aralan mabuti dahil para sa akin — a life lost is a life lost forever. Pag meron pong namatay diyan, hindi na po natin maibabalik,” ayon pa senador.

Facebook Comments