Tinutulan ng Department of Health (DOH) ang panukalang “no vaccine, no subsidy” sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na susuportahan lamang nila ito sakaling gawing legal at kung may mga ilalabas na polisiya hinggil dito.
Aniya, mainam na bigyan na lamang ng dagdag na insentibo ang mga miyembro ng 4Ps para mahikayat na magpabakuna.
Dapat din aniyang palakasin ng mga Local Government Unit (LGU) ang pagbibigay ng mga tamang impormasyon sa pagbabakuna laban sa COVID-19.
Una na ring sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat munang suriin ng gobyerno kung may malalabag na karapatang pantao ang mandatory vaccination para sa mga miyembro ng 4Ps.