Kumambyo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa panukalang “no vaccine, no subsidy” sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nabuo lamang ang ideyang ito dahil sa hinaing ng mga Local Government Unit (LGU) sa mababang vaccination rate mula sa 4.4 milyong benepisyaryo ng 4Ps.
Batay kasi aniya sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 12 porsyentong pa lamang ng benepisyaryo ng 4Ps ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Sa kabila nito, tiniyak ni Malaya na patuloy ang panghihikayat ng DSWD sa mga benepisyaryo ng 4Ps na magpabakuna na.
Facebook Comments