“No vax, No ride” Policy, okay kay Senator Lacson kung hindi sablay ang bakunahan

Iginiit ni Presidential Aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na siguruhin muna na sapat at maayos ang sistema ng pagkuha ng bakuna at kaya itong maabot ng ordinaryong Pilipino bago ipatupad ang “No Vaccination, No Ride” Policy.

Malinaw para kay Lacson na ang nabanggit na polisiya ay nagpapahirap lalo sa mga manggagawang apektado ang hanapbuhay dahil hindi pinasasakay sa pampublikong transportasyon.

Paliwanag ni Lacson, bagama’t maraming bakuna ay hindi naman madali para sa lahat na makapagpabakuna lalo na ang mga walang koneksyon sa internet, dahil karaniwan itong nangangailangan ng online registration.


Tinukoy ni Lacson na batay sa pag-aaral, ay tanging 52% ng mga Pilipino ang nakakagamit ng internet, habang hindi naman bababa sa 45% ang walang koneksyon sa internet.

Nasaksihan din ni Lacson ang mahabang pila sa vaccination site kaya mahalaga umano na mapadali para sa mga Pilipino na makuha ng bakuna.

Diin ni Lacson Hindi patas para sa mga manggagawang hindi kayang makakuha ng bakuna na manakawan ng kabuhayan dahil hindi pinasasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments