“No vax, No ride” Policy, pinapatigil na ng isang senador

Iminungkahi ni Senator Win Gatchalian na ihinto na lang ang pagpapatupad ng “No vax, No ride” Policy para hindi na maguluhan at malito ang mga mananakay.

Katwiran ni Gatchalian, exempted naman ang lahat ng workers at lahat naman ng mga namamasahe ay mga manggagawa rin.

Para naman kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hindi pinag-isipang mabuti ang nabanggit na polisiya na biglaan lang ipinatupad.


Malinaw naman para kay Senator Risa Hontiveros na nakakagulo lang ang “No vaccination, No ride” Policy at tila binulabog lang nila ang mga commuter.

Katwiran ni Hontiveros, wala sanang kailangang linawin kung pinag-isipan at dumaan ito sa konsultasyon bago ipinatupad.

Wala ring saysay para kay Hontiveros na kailangan pang patunayan ng manggagawa na ‘essential worker’ siya bago makasakay sa pampublikong transportasyon.

Facebook Comments