“No Vaxx, No Labas” policy, kinukwestyon; nasabing kautusan, hindi uubra sa lahat ng mga Pilipino

Kinukwestyon ni Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite ang “No Vaxx, No Labas” policy na naunang ipinatupad sa Metro Manila.

Giit ng kongresista, ang kautusang ito sa mga hindi pa bakunado ay hindi dapat naiiba sa mga taong fully-vaccinated na maaaring makapagkalat din ng COVID-19 virus.

Aniya, hindi dapat nagpapatupad ng ganitong polisiya dahil may mga indibidwal na hindi talaga uubrang magpabakuna dahil sa kanilang kondisyong medikal, relihiyon at personal na paniniwala.


Bukod dito, hindi naman aniya sapat ang suplay ng bakuna sa buong bansa para gawing mandatory ang pagpapabakuna upang payagang makalabas ang mga tao.

Tinawag ding pahirap sa mga manggagawang bakunado ang pag-oobliga na regular na magpa-RT-PCR test bago makabalik “physically” sa trabaho.

Umaalma ang kongresista na dapat itong sagutin ng gobyerno kung ire-require sa mga manggagawa dahil bukod sa wala na ngang makain ang isang ordinaryong trabahador ay poproblemahin pa nito ang P4,000 hanggang P6,000 halaga ng RT-PCR test.

Facebook Comments