‘No- visa entry’ para sa mga Taiwanese, hiniling ng Taiwan sa Philippine government

Hiniling ng Taiwan na gawin na rin ng Pilipinas ang no-visa entry para sa mga Taiwanese na gustong pumasok sa bansa.

Ayon kay Taiwan Representative in the Philippines Wallace Chow, malaki ang potensyal ng Pilipinas bilang tourist destination para sa mga Taiwanese, lalo na at magkalapit lamang ang mga ito.

Aniya, makakatulong kung gagawin na rin ng pamahalaan ng bansa ang pagpayag na pumasok sa Pilipinas sa mga Taiwanese kahit walang hawak na visa.


Ang mga Taiwanese rin ang panglimang pinakamalaking bilang ng mga turistang bumisita sa Pilipinas na umabot sa 330,000 noong 2019.

Facebook Comments