No vote sa 2023 General Appropriations Bill, idinipensa ng Makabayan bloc

Idinipensa ng mga mambabatas na kasapi ng Makabayan bloc ang kanilang “No” vote o pagkontra sa paglusot sa third and final reading ng Kamara ng 2023 General Appropriations Bill o panukalang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng ₱5.268 trillion.

Dismayado si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas dahil sa unang pambansang budget ng Marcos administration ay tinipid umano ang pondo para matugunan ang pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap tulad ng pagbawas sa pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Puna naman ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, sa proposed 2023 national budget ay mas prayoridad ang alokasyon na pambayad sa utang ng gobyerno kumpara sa pagtugon sa COVID-19 pandemic partikular sa pagpapalakas sa monitoring at surveillance capacity ng ating healthcare system.


Sinabi naman ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na halos walang makatotohanang pag-aaral at pagbusisi sa proposed 2023 budget dahil ang mga miyembro ng minorya ay binigyan lamang ng 30 minuto sa apat na linggong deliberasyon.

Facebook Comments