‘NO WIN SITUATION’ | Rush hour man o hindi, may batikos pa rin – Secretary Roque

Manila, Philippines – Todo ngayon ang depensa ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque laban sa mga batikos na ibinabato sa kanya matapos siyang sumakay sa MRT at LRT kahapon.

Inulan kasi ng negatibong komento ang pagsakay ng MRT ni Roque na ang dahilan ng pagsakay ay para maramdaman ang nararanasan ng mga ordinaryong commuter na araw-araw sumasakay ng public transport.

Kinukwestiyon din kasi ng publiko kung bakit hindi rush hour siya sumakay para maranasan talaga ang hirap ng pagsakay sa MRT.


Ayon kay Roque, kahit naman ano ang gawin o kahit anong oras siya sumakay sa MRT ay mayroon ding magbabato sa kanya na mga batikos.

Nasa ‘no win situation’ aniya siya dahil kung rush hour siya sumakay ay mababatikos siya at ngayong hindi aniya rush hour ay pinupuna din ang kanyang naging aksyon.

Binigyang diin na lang ni Roque na ang wala siyang ibang layunin sa pagsakay sa MRT ay para personal na makita ang kalagayan ng mga sumasakay dito.

Facebook Comments