No window hour policy – permanente nang ipatutupad sa Metro Manila

Manila, Philippines – Permanente nang ipatutupad ng MMDA ang “no window hour policy” sa ilalim ng number coding scheme sa buong Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim — makatutulong ang nasabing patakaran para maibsan ang matinding problema sa trapiko.

Kaugnay nito, bawal nang bumiyahe ang mga sasakyang naka-coding sa dating window hours mula alas 7:00 nang umaga hanggang alas tres nang hapon sa ilang pangunahing kalsada.


Kasabay nito, nanawagan din si Lim sa mga motorista na pairalin lagi ang “culture of discipline” gayundin ang traffic enforcers ng mmda at mga pedestrian.

Samantala, maliban sa no window hour policy, patuloy ding ipatutupad ng mmda ang truck ban sa kahabaan ng Edsa.
DZXL558

Facebook Comments