No window hour policy, pinalawig ng MMDA

Manila, Philippines – Kinumpirma ng MMDA na pinalawig nila ang “no window hours” policy.

Ayon sa MMDA, ipinagpapatuloy ngayon ng ahensya ang pagpapatupad ng naturang polisiya sa weekdays mula alas siete ng umaga hanggang alas otso ng gabi.

Hindi naman masabi ng ahensya kung hanggang kailan ipapatupad ang no window hour traffic scheme.


Ang naturang sistema ay nagtapos sana noong July 31, subalit nakita ng MMDA na epektibo ito kaya nagpasya silang palawigin ito.

Facebook Comments