NO WORK, NO PAY POLICY | DND, tiniyak na walang tatanggaping sahod si Faeldon habang nakakulong

Manila, Philippines – Tiniyak ng Office of the Civil Defense (OCD) na walang tatanggaping sahod si dating Customs Commissioner at ngayon ay Deputy Administrator ng Office of the Civil Defense Nicanor Faeldon habang ito ay nakakulong.

Sabi ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman Delfin Lorenzana, hindi kasi magagampanan ni Faeldon ang kanyang trabaho habang ito ay nakakulong sa Pasay City Jail.

Umaasa naman si Lorenzana na makakalaya kaagad si Faeldon para magampanan na nito ang kanyang tungkulin.


Si Faeldon na may ranggong Assistant Secretary na may ‘salary grade’ 29 ay may buwanang sahod na P128,000.

Facebook Comments