Pinayagan nang lumabas sa bansa ng Court of Appeals (CA) ang Nobel Peace Prize winner at veteran broadcast journalist Maria Ressa.
Ito ay para dumalo sa serye ng lectures sa Harvard Kennedy School sa Boston, Massachusetts, U.S.
Sa resolusyon ng CA, inaprubahan ang urgent motion to travel abroad ni Ressa matapos mapatunayan na kailangan o mahalaga ang biyahe nito.
Inaprubahan din ng korte ang hiling ng Rappler CEO na bisitahin ang mga magulang sa Florida.
Muli nang ipinaalala ng Appellate Court na mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 2 lamang ang travel period na ipinagkaloob kay Ressa.
Sa ngayon, inatasan na si Ressa na maglagak ng travel cash bond na kalahating milyong piso.
Kasalukuyang nahaharap si Ressa ng kasong tax evasion.
Facebook Comments