NOCHE BUENA ITEMS | Presyo, hindi na dapat magbago – DTI

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Undustry (DTI) na hindi na magbabago pa ang kasalukuyang presyo ng mga noche buena products sa buong panahon ng Kapaskuhan.

Ito ang naging pahayag ni DTI Undersecretary Ted Pascua kasunod ng nagpapatuloy na price monitoring na isinasagawa ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) sa malalaking supermarket dito sa Araneta Center Cubao, Quezon City.

Sa ngayon ayon kay Usec. Pascua, mayroon pa ngang ilang mga supermarket na kanilang sinuyod at nagbebenta ng mas mababa pa sa Suggested Retail Price (SRP).


Pero sa report na inilabas ng DTI-FTEB ngayon lamang holiday season, mayroong ilang mga tindahan na sa Balintawak na nahuli ng ahensya dahil sa pagbebenta ng over-priced na Noche Buena products.

Dahil dito nagbabala si Usec. Pascua sa sinumang tindahan na nagbebenta ng mas mataas sa inilabas na SRP noong November 2 para sa nabanggit na mga produkto na mananagot sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act of the Philippines.

Facebook Comments