NOCHE BUENA PRODUCTS | Mga nagtitinda ng overpriced noche buena products, nasampulan

Manila, Philippines – Nasampulan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang mga tindahan sa Balintawak market na nagtitinda ng overpriced na noche buena items.

Ayon kay DTI undersecretary Teodoro Pascua, inisyuhan ng show cause order ang ilang tindahan matapos na lumampas ng P2.00 hanggang P5.00 ang kanilang presyo mula sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP).

Sa inspeksyon, nakitang P77.00 ang presyo ng isang maliit na fruit cocktail na mas mataas ng P2.00 sa SRP habang ang all – purpose creamer ay mabibili sa P52.00 kada 250 grams na mas mahal ng P5.00.


Kasabay nito, ipinaalala ng DTI na naka-publish na ang SRP ng mga noche buena items sa kanilang website at sa mga palengke para maiwasan ang mga overpricing.

Facebook Comments