NOCHE BUENA SA ILANG BARANGAY SA DAGUPAN CITY, UMARANGKADA

Umarangkada noong bisperas ng Pasko ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan ng lutong pagkain, mansanas at torotot bilang maagang Noche Buena sa mga residente sa Brgy. Pugaro at Lucao.

Tampok sa naging pagtitipon ang spaghetti, mansanas para sa Apple of my Eye Program at ilan pang pagkain na mula sa mga katuwang na establisyimento at tanggapan.

Bahagi rin nito, ang pamamahagi ng torotot sa mga Kabataan bilang bahagi ng kampanya sa pag-iwas sa paputok para sa kaligtasan ngayong kaliwa’t kanan ang selebrasyon dulot ng holiday season.

Samantala, pinaigting din ng tanggapan ang pagtitiyak na maiwasan ang aksidente mula sa paggamit ng paputok sa pagpapataw ng multa sa mga mahuhuling lalabag kabilang ang mga ilegal na pagawaan sa lungsod.

Facebook Comments