Nograles, hinikayat ang mga Pilipino na magtanim ng prutas at gulay sa kanilang bakuran

Bukod sa pagiging “plantito” at “plantita,” dapat na ring maging “vegetito” at “vegetita.”

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasabay ng paghihikayat sa mga Pilipino na magtanim na rin ng prutas at gulay sa kanilang mga bakuhan bilang tulong sa hakbang ng pamahalaan na mapalakas ng food security sa bansa.

Ayon kay Nograles na siyang chairperson ng Task Force Zero Hunger, ang urban gardening ay hindi lamang nagpo-promote ng local food security pero nagpapabuti sa kalusugan at nutrisyon ng mga tao lalo na sa mga nakatira sa urban areas.


Bukod dito, ang urban gardening aniya ay isa sa mga hakbang ng gobyerno para matugunan ang gutom sa bansa.

Maliban sa pagtatanim ng mga gulay, isinusulong din ni Nograles ang muling pagbuhay ng community gardens sa mga lokalidad.

Ang “Gulayan sa Barangay” ay makakapagbigay ng steady source ng masustansyang pagkain at importanteng hakbang para mabawasan ang bilang ng mga taong nagkakasakit.

Facebook Comments