Noise barrage, ikinasa ng mga healthcare workers sa DOH

Nagkasa ng noise barrage ang ilang grupo ng mga healthcare workers mula sa pribado at pampublikong hospital sa harap ng Department of Health (DOH) sa Maynila.

Ito’y upang ipanawagan ang natenggang mga benepisyo at usapon ng dagdag sweldo.

Giit nila, hindi pa rin naibibigay ang nararapat na benepisyo sa ilalim ng R.A No. 11712 na higit isang taon na nilang hinihintay.


Kanila rin inihihirit ang dagdag sweldo na una ng ipinangako matapos maupo si DOH Sec. Teodoro Herbosa.

Hiling din nila na ibalik ang nararapat na budget na una ng kinaltas kung saan dapat ay mas malaking pondo ang nararapat sa sektor ng kalusugan.

Sa huli, muli nilang ipinapanawagan na hindi sila pabor sa pagkakaupo ni Herbosa bilang kalihim ng DOH.

Facebook Comments