Manila, Philippines – Nagsagawa ng noise barrage ang ilang mga militanteng grupo sa bahagi ng Boys Scout Monument sa Tomas Morato Quezon City.
Ilan sa mga nakiisa sa kilos-portesta ang grupong Karapatan, Promotion of Church People’s Responses at mga pari at madre mula sa Rural Missionaries of the Philippines (RMP).
Ayon kay Fr. Oliver Castor, miyembro ng RMP, ito ay para kundenahin ang pagpaslang kay RMP National Board Member at Regional Coordinator ng Central Luzon na si Fr. Marcelito Paez sa Jaen, Nueva Ecija, Lunes ng gabi.
Aniya, brutal ang pagkakapatay sa naturang pari para takutin ang mga tumututol at lumalaban sa umanoy extrajudicial killings at pag-abuso ng administrasyong Duterte sa karapatang-pantao.
Dagdag pa nito, pormal aniya nilang itinuturo ang administrasyong Duterte na may sala sa naturang krimen.