Dumating na sa Russia si North Korean Leader Kim Jong Un para sa isang summit.
Hihingi ng suporta si Kim kay Russian President Vladimir Putin habang nakabinbin ang nuclear talks ng Pyongyang sa Estados Unidos.
Ayon kay Kim – inaasahang tatalakayin sa pulong nila ni Putin ang peace negotiations sa Korean Peninsula at pagpapatibay sa bilateral relations.
Ngayong nakahinto ang negosasyon sa Amerika, hahanap ang North Korea ng alternatibong mapagkukunan ng international support, kabilang ang Russia at para sa posibleng pagpapagaan mula sa sanctions na nakakaapekto sa North Korean economy.
Para kay Putin, ang summit ay isang oportunidad para ipakita na ang Russia ay nananatiling major global player sa mundo.
Facebook Comments