NoKor Leader Kim Jong Un, nagbabalang magpapakawala ng hydrogen bomb sa Pacific Ocean

North Korea – Nagbabala ang North Korea kaugnay sa plano nitong magpakawala ng hydrogen bomb sa Pacific Ocean.

Ayon kay North Korean Foreign Minister Ri Tong Ho, posibleng ang pinakamalakas na hydrogen bomb umano ang kanilang ibabagsak sa Pacific Ocean.

Ito ay bilang tugon aniya sa mga banta ng military action ni US President Donald Trump sa UN assembly noong Martes.


Dadalo sana sa United Nations General Assembly ang North Korean Foreign Minister, pero hindi ito tumuloy at sinabi sa local media na ang desisyon ay mula sa kanyang boss na si North Korean Leader Kim Jong-Un.

Facebook Comments