Muling umiinit ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea.
Ito ay matapos maglunsad ang North Korea ng dalawang short-range missiles, habang hinuli ng US ang isang cargo ship ng North Korea dahil sa illicit shipping ng coal.
Ayon kay US President Donald Trump – hindi nila ikinatuwa ang missile launch, pero bukas sila sa mga susunod pang pag-uusap sa Pyongyang.
Para kay South Korean President Moon Jae-in – kahit short range ang ipinalipad ng North Korea, maaaring nilabag nito ang UN resolutions na nagbabawal sa Pyongyang na mag-develop ng ballistic missiles.
Sinabi naman ni United Nations Spokesperson Farhan Haq – hinihimok ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang lahat ng partido na ipagpatuloy ang denuclearization talks.
Facebook Comments