Sa kanyang pagbisita, nagpasalamat si Lt. Gen. Torres sa ginawang pagsisikap ng tropa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon na malaking tulong sa pagsasakatuparan ng misyon ng NOLCOM.
Hinimok rin ng heneral ang tropa ng 502nd ILB na ipagpatuloy ang kanilang hakbangin para sa tuluyang pagwawakas ng insurhensiya bago pa man ang nakatakdang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte.
Gayunman, hinihikayat nito ang bawat isa na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng disiplina, habang pinapahusay at pinapalakas ang mga pagpapatakbo ng organisasyon.
Ayon pa sa opisyal, sama-samang maisakatuparan ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan at napapanatiling pag-unlad sa buong Northern Luzon.
Dagdag pa rito, binigyang-diin din ng heneral na ang bawat indibidwal na sundalo ay dapat na isang rehistradong botante at sa gayon ay gamitin ang karapatang bumoto habang nananatiling non-partisan para sa nalalapit na halalan 2022.
Muli naman nitong ipinaalala sa mga sundalo ang kanilang misyon at ang mga tagapagtanggol ng norte ay minamahal ng bayan at kinatatakutan ng mga kaaway.